OFWs sa Hong Kong, pinag-iingat matapos na makapagtala na naman doon ng halos 700 bagong COVID-19 cases

Pinag-iingat ng Philippine Consulate General (PCG) ang OFWs sa Hong Kong matapos ang pagtaas na naman ng kaso ng COVID-19 doon.

Halos 700 kasi ang panibagong kaso ng infection na naitala sa Hong Kong kung saan karamihan sa mga bagong nainfect ay mga estudyante at mga staff ng eskwelahan.

Pinapayuhan din ang OFWs na iwasan muna ang pagdalo sa mga pagtitipon at panatilihin ang social distancing.


Sa ngayon, nananatili sa severe ang COVID-19 situation doon, ilang linggo matapos ang ika-limang wave ng infection sa Hong Kong.

Facebook Comments