Marine Aviation Support Activity, isinasagawa ngayon ng mga sundalong Pinoy at Amerikano

96

Patuloy ang isinasagawang Marine Aviation Support Activity o MASA 2022 ng mga tauhan ng Philippine Marine Corps (PMC) at United States Marine Corps Forces Pacific (USMCFP).

Sinimulan ito noong June 6 at magtatagal hanggang June 17.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Col. Jorry Baclor, sinimulan ang aktibidad sa lalawigan ng Palawan.


Apat na C-17 aircraft ng US Air Force kasama ang US C-130 ang dumating sa bansa noong June 6 sakay ang mga amerikanong sundalong lumalahok ngayon sa MASA 2022.

Ang pagsasanay ay tututok sa sensor operations, air surveillance, air defense, at High Mobility Artillery Rocket System (HIMARS) infiltration.

Layunin ng MASA 2022 na mapa-angat pa ang combined at joint interoperability sa pagitan ng Sundalong Pilipino at US Marine Forces sa pagsasagawa ng combined tactical operations at heliborne operations.



Kabilang din sa gagawin sa pagsasanay ang coastal defense forward arming and refueling, at paguusapan din ang exchanges for unmanned aviation system at engineering kasama ang mga participants mula sa Naval Air Wing ng Philippine Navy at Philippine Air Force.

Facebook Comments