Sa harap ng 5th wave ng local COVID-19 sa Hong Kong, pinagbawalan muna ng employers na mag-day off ang Filipino Domestic Workers (FDWs) doon.
Layon nito na maiwasang mahawa ng infection lalo na at patuloy sa pagtaas ang kaso ng Omicron variant sa Hong Kong.
Ayon sa ilang Pinoy workers, binabayaran naman sila ng kanilang employers kapalit ng hindi pag-day off, habang nagrereklamo naman ang ilan dahil sa paghihigpit sa kanila ng employer na lumabas ng bahay pero ang kanilang amo raw ay malayang nakakapunta sa nais nilang puntahan na lugar.
Una nang kinumpirma ng Hong Kong Immigration na marami nang Pinoy domestic workers ang umaalis ngayon doon dahil sa sobrang higpit ng restriction.
Facebook Comments