OFWs sa Macau, pahirapan pa rin sa pagkuha ng commercial flights pauwi ng Pilipinas

Kinumpirma ng Philippine Consulate General sa Macau na pahirapan pa rin hanggang ngayon ang commercial flights sa Macau.

Ito ay dahil sa hindi pa rin pinahihintulutan ng Macau ang pag-operate doon ng international commercial flights.

Bunga nito, patuloy ang pag-arrange ng Konsulada ng Pilipinas ng repatriation ng mga Pilipino sa Macau na nais nang umuwi ng Pilipinas.


Pinapayuhan naman ng konsulada ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na nais sumabay sa repatriation flights na magpatala lamang online sa Philippine Consulate.

Sa ngayon, halos 6,000 na OFWS na stranded sa Macau ang napauwi na ng pamahalaan.

Facebook Comments