OFWs sa Qatar, nananatiling kalmado sa harap ng lumalalang Gulf diplomatic crisis

Manila, Philippines – Nananatiling kalmado ang OFWs sa Qatar sa kabila ng pagsisimula ng blockade ng Saudi-led forces.

May kaugnayan pa rin ito sa pagkalas ng diplomatic ties ng Saudi Arabia, Egypt, United Arab Emirates at Bahrain laban sa Qatar.

Ayon kay Carl Gorriceta, isa sa OFWs sa Doha, hindi sila nababahala dahil tinitiyak naman ng Qatari government na hindi maiipit ang mga dayuhang naninirahan at nagta-trabaho doon.


Hindi rin aniya sila na-aalarma sa food shortage dahil marami namang mga kalapit na bansa ang nagsu-supply ng pagkain sa Qatar.

Una nang nagdatingan sa Qatar ang mga barko at eroplano na may mga kargang pagkain.

Kabilang sa nagsu-supply ng pagkain sa Qatar ang India, Turkey, Oman at Jordan.

Kabilang sa nagsu-supply ng pagkain sa Qatar ang India, Turkey, Oman at Jordan.

Facebook Comments