
Nilinaw ng Philippine Embassy sa Singapore na walang dapat ikabahala ang Overseas Filipino Workers o OFWs doon na nais magbakasyon sa Pilipinas.
Ayon sa Embahada, ito ay dahil hindi sila kasama sa mandatory 14-day quarantine dahil hindi sila kasama sa travel ban ng pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunman, bagama’t hindi sila kasama sa mandatory 14-day quarantine, pinag-iingat parin ng Philippine Embassy ang mga OFW upang hindi sila mahawaan ng Coronavirus Disease (COVID 19).
Batay sa record ng Embahada, 81 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Singapore.
48 sa kanila ay nasa maayos nang kondisyon, habang ang 29 ay nakalabas na ng hospital.
Facebook Comments