Sen. Drilon, kukumbinsihin si Senator Pangilinan na huwag ituloy ang pagbibitiw bilang pangulo ng LP

Ikinalungkot ni Senate Minority Leader at Liberal Party Vice Chairperson Franklin Drilon ang pagbibitiw ni Senator Kiko pangilinan bilang pangulo ng LP.

 

Diin ni Drilon, kapuri puri ang pagsisikap at mga sakripisyo na ginawa ni Pangilinan noong panahon ng kampanya para maipanalo ang mga kandidato ng otso diretro sa pagkasenador.

 

Iginiit ni Drilon na bagamat hindi sila nagwagi sa eleksyon ay hindi dapat magbitiw si Pangilinan.


 

Ayon kay Drilon, sa June 30 pa epektibo ang resignation ni Pangilinan kaya may panahon pa para kumbinsihin nila ito na huwag ng ituloy.

 

 

 

Facebook Comments