OIC Prosecutor Richard Fadullon, nagbabala sa mga nag-aakusa sa kanya ng pakikipagsabwatan sa respondents sa Dengvaxia case

Nagbanta si Acting Prosecutor General Richard Anthony Fadullon  na bubuweltahan niya ang mga nag aakusa sa kanya na tumatanggap daw siya ng suhol mula sa mga respondents sa Dengvaxia case

 

Ayon kay Fadullon, Walang katotohanan ang mga akusasyon sa kanya ng mga magulang ng mga biktima ng Dengvaxia.

 

Naghamon din si Fadullon na maglabas ng ebidensya laban sa kanya kapag wala aniyang nailabas na pruweba ang mga nag aakusa sa kanya,magsasampa siya ng kaso laban sa mga ito.


 

May pagkakataon anyang nagpanumpa siya sa reklamo ng isa sa mga private complainants dahil sa hiling ng Public Attorney’s Office o PAO pero wala siyang kinausap na sinuman sa mga respondents.

 

Ang preliminary investigation anya ay hinahawakan ng ibat ibang panel ng mga piskal ng DOJ at wala siyang impluwensya sa desisyon ng mga ito.

Facebook Comments