Oil exploration sa West Philippine Sea, imungkahi ng liderato ng Senado

Hinikayat ni Senate President Tito Sotto III ang Malacañang na isulong ang oil exploration o pagmimina ng langis, gas at iba pang yaman sa bahagi ng West Philippine Sea na sakop ng Exclusive Economic Zone (EZZ) ng ating bansa.

Payo ni SP Sotto, huwag nating sayangin ang economic opportunity na available at ito rin ang mainam na hakbang ng gobyerno kung magpapatuloy ang girian sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ayon kay SP Sotto, sa ganitong paraan ay magagamit ang arbitral victory para magkaroon ng karagdagang kita ang ating gobyerno na magagamit nito para mapagbuti ang serbisyo sa taumbayan.


Giit ni SP Sotto, hindi naman tayo pwedeng pagbawalan ng China kung gusto nating i-explore ang natural and mineral resources sa ating EEZ dahil atin iyon at pagmamay-ari natin iyon.

Binanggit din ni SP Sotto na pwedeng ituloy ng Department of Energy (DOE) ang mga dating proposal kaugnay sa pagsasagawa ng exploration activities sa West Philippine Sea at buksan ito sa mga private investors o ibang bansa sa pamamagitan ng 60-40 joint agreement.

Sabi ni SP Sotto, kung interesado ang China ay pwede silang maging joint partner natin pero 60-40 ang hatian dahil tayo ang may-ari ng West Philippine Sea.

Facebook Comments