OIL PRICE HIKE | DOE, aminadong tali ang kamay sa tuloy tuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo

Manila, Philippines – Itinurong dahilan ng Department of Energy Oil Industry Management Bureau ang tensyon sa gitnang silangan kung kaya at nagpatupad ang mga oil companies ng malakihang oil price hike.

Epektibo kanina, P1.60 ang idinagdag sa presyo kada litro ng gasolina habang P1.55 kada litro ang dagdag sa singil sa diesel habang P1 ang dagdag sa kerosene.

Paliwanag pa ni Rodela Romero Assistant Director ng Oil Industry Management Bureau ng DOE walang magagawa o tali ang kamay ng DOE dahil ang sanhi ng pagsirit ng presyo sa pandaigdigang merkado ay bunsod narin ng supply disruption.


Nabatid na magmula noong Enero umabot na sa P9.60 ang itinaas kada litro ng gasolina habang aabot naman sa P10.10 ang itinaas sa presyo kada litro ng Diesel.

Facebook Comments