Magpapatupad ang mga kompanya ng langis ng pagtaas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo bukas, Mayo 10.
Base sa abiso ng Seaoil, Petro Gazz at Shell, alas-6:00 ng umaga ipapatupad nila ang P4.20 dagdag sa kada litro ng gasolina, P4.20 na pagtaas sa kada litro ng diesel at P5.85 sa kada litro ng kerosene.
Habang alas-8:01 naman ipapatupad ng CleanFuel ang kaparehong price adjustment.
Bunsod ito ng pagsirit ng presyo ng imported na petrolyo kasunod ng anunsiyo ng European Union sa balak nitong huwag nang kumuha ng langis sa Russia dahil sa pagsalakay nito sa Ukraine.
Kung matutuloy ang oil embargo, posibleng tumaas pa rin ang presyo ng petrolyo dahil sa kakulangan ng supply.
Facebook Comments