Oil price hike, magtutuloy-tuloy pa sa mga susunod na linggo ayon sa DOE!

Inaasahang magtutuloy-tuloy pa sa mga susunod na linggo ang kalbaryo ng mga motorista at public utility vehicle drivers.

Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, sa ngayon ay wala silang nakikitang anumang kaganapan na posibleng magpahupa sa serye ng oil price hike.

Paliwanag ng opisyal, posibleng magtuloy-tuloy ang pagsirit ng presyo ng langis dahil sa oil importation ban ng European Union sa Russia; nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine; at ang posibleng pagsipa ng demand sa langis sa summer season sa Northern Hemisphere.


Maliban dito, inaasahan ding tataas ang demand sa langis ng China na halos tapos na sa kanilang lockdown.

Kahapon lang nang magpatupad ang mga kumpanya ng langis ng higit anim na pisong dagdag-presyo sa diesel; higit limang piso sa kerosene at halos tatlong piso sa gasolina.

Facebook Comments