11 volcanic earthquakes, naitala ng PHIVOLCS sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras

60

Nakapagtala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 11 volcanic earthquakes sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon sa nakalipas na 24 oras.

Mas mataas ito sa naiulat na pagyanig kahapon na nasa pito lamang.

Aabot din 200 metro ang taas ng usok na ibinubuga ng bulkan mula sa bunganga nito na mas mataas din kumpara sa 150 meters noong nakaraang araw.


Naglabas din ito ng 1,421 tonelada ng sulfur dioxide.

Nananatili sa Alert Level 1 ang bulkan.

Muli namang nagpaalala ang PHIVOLCS na bawal pumasok sa four-kilometer radius Permanent Danger Zone gayundin ang pagpapalipad ng eroplano malapit sa bulkan.



Facebook Comments