Oil price increase at isinusulong na taas-pasahe, dapat agad aksyunan ng gobyerno

Kinalampag ngayon ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang gobyerno, partikular ang Department of Energy (DOE) at Department of Transportation (DOTr).

Ito ay para aksyunan ang sunud-sunod na big time oil price hike at ang panawagan ng ilang transport group para sa tatlong pisong dagdag-pasahe sa mga pamsaherong jeep.

Giit ni Lacson, malaki ang epekto ng serye ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa mga naghihirap nating mga kababayan.


Diin ni Lacson, ito ay dahil marami ang nawalan ng trabaho at nagugutom dahil sa halos dalawang taon ng COVID-19 pandemic.

Binanggit ni Lacson na isa ang Pilipinas sa nangungulelat sa pag-recover sa pandemya kumpara sa mga karatig-bansa natin sa Asya.

Ipinunto ni Lacson na nagbubukas na ang ekonomiya ng maraming bansa samantalang ang Pilipinas ay wala pang naaaninag na liwanag.

Facebook Comments