Oil tanker at 22-wheeler truck, nagsalpukan

Quezon City – Sugatan ang driver ng oil tanker matapos sumalpok sa isang 22-wheeler truck sa Sto. Domingo Avenue, Quezon City.

Kinilala ang driver ng oil tanker na si Eldon Suazo, na nagtamo ng sugat sa braso.

Dahil sa impact, nayupi ang harapang bahagi at nabasag ang windshield ng oil tanker.


Ayon kay Suazo, nagkagulatan sila ng 22-wheeler truck dahil hindi niya napansin na nasa kanto na pala siya.

Pero giit ni Randy Cabuhat, driver ng 22-wheeler, mabilis ang takbo ng oil tanker nang maganap ang insidente.

Patuloy namang inaalam kung sino ang may kasalanan sa insidente.

Facebook Comments