Oil tanker truck, sinunog ng mga hinihinalang miyembro ng NPA sa Agusan del Sur

Sinunog ng mga hinihilanang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang oil tanker truck kahapon ng umaga sa Sitio Marangan, Brgy. Basa, Trento, Agusan del Sur.

Ayon kay PSI. Nelvin Rufon , hepe ng Trento Municipal Police Station bago nangyari ang pagsunog hinarang ng mga rebelde ang gwardya ng plantasyon at dinisarmahan saka pinara ng mga armadong lalaki ang truck na papuntang Butuan City, pinapababa ang driver bago sinunog ang oil tanker truck sa lugar na may lamang 19 thousand liters ng crude palm oil na pagmamay-ari ng Agumil Philippines Inc.

Wala pang pag-amin ang mga makakaliwang grupo sa naturang pangyayari.


Facebook Comments