Oil tankers na inatake sa Gulf of Oman, isinisi ng US sa Iran

Inatake ang dalawang oil tankers at natatangay na ng agos ng Gulf of Oman.

Magdudulot ito ng pagtaas ng presyo ng langis at pangambang magkakaroon ng bagong komprontasyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Ayon kay US Secretary of State Mike Pompeo – posibleng responsable ang Iran sa pag-atake.


Aniya ibinase nila ang kanilang assessment base sa intel reports, weapon na ginamit at level of expertise na kailangan para ikasa ang operasyon.

Tumitindi ang tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos mula nang umaklas si US President Donald Trump sa deal noong nakaraang taon sa pagitan ng Iran at global powers na layong buwagin ang nuclear ambitions ng Iran.

Facebook Comments