OJT Broadcaster Patay sa Pamamaril sa Zamboanga del Sur

Pagadian City, Zamboanga del Sur—-Tinambangan at napatay ang isang Barangay Kagawad at OJT radio broadaster ng hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay papauwi sakay ng motorsiklo sa Sitio Lopez, Brgy., Culo, Molave Zamboanga del Sur.
Dalawang bala ang tumapos sa buhay ni Rudy Alicaway, 46 anyos, OJT brodkaster ng DXPB 106.9 Radio ng Bayan at kasalukuyang opisyal ng Barangay Miligan, Molave. Naisugod pa sa pagamutan ang biktima sa tulong ng ilan sa mga nakasaksi sa insidente subalit agad din itong binawin ng buhay.
Napag-alaman na pauwi na ang biktima matapos ang kanyang Radio Program “ Tigmo-Tigmo” sinisilip pa ng pulisya motibo sa pamamaril upang malaman kung ano ang motibo sa pamamaril sa nasabing opisyal ng barangay at OJT anchor ng isang radio Station. (Kenneth Alvin Bustamante/Mel Coronel/dxpr News Team

Facebook Comments