OK ka sa DepEd, inilunsad ng BHTE-BARMM

Bilang bahagi ng mga pagsusumikap ng Ministry of Basic Higher and Technical Educationna magkaroon ng access sa dekalidad na edukasyon ang lahat ng mga bata sa rehiyon, inilunsad ng kagawaran ang “Oplan Kalusugan sa Department of Education (OK ka sa DepEd).”

Ito rin umano ang driving force ng MBHE-BARMM upang masiguro na ang mga mag-aaral ng Bangsamoro ay malusog at may access sa masusustansyang pagkain.

Hinihikayat naman ng MBHTE ang lahat na suportahan ang “One Health Week” mula July 22-hanggang 26, 2019.


Sa naturang programa ay magkakaroon ng health activities and programs na magpapalawak pa sa mga opurtunidad at coverage ng health at nutrition services sa mga batang mag-aaral at maging ng educators ng Bangsamoro.

Kaugnay ng programa, magsasagawa ng Regional Kick Off ceremony ang BARMM-MBHTE bukas, July 25, 2019 kung saan isasagawa ito sa Pedro C. Dolores Elementary School, Upi North District, Maguindanao.

Facebook Comments