Manila, Philippines – Walang magiging problema sa Department of National Defense (DND) kung pinangalan ng China ang limang undersea features sa Philippine Rise.
Ito ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Aniya hangga’t nirerespeto ng China ang soberenya at exploitation ng bansa sa Philippine Rise ay wala aniyang magiging problema.
Sinabi nya pa na magpapatuloy ang paglalayag ng mga barko ng Pilipinas at China Sa Philippine Rise batay pa rin sa umiiral na international laws.
Sa ulat nakarehistro na sa mga Chinese names ang limang undersea features ng Philippine Rise.
Ito ay Jinghao Seamount at Tianbao Seamounts, kapwa 70 nautical miles East ang layo mula Cagayan; Haidonquing seamount; Cuiqiao hill; at Jujiu seamount.
Facebook Comments