Oktubre, ideneklarang Cybersecurity Awareness Month ng Malacañang

Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang buwan ng Oktubre na Cybersecurity Awareness Month.

Batay sa Proclamation No. 353 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, inamyendahan ang Proclamation No. 2054 para ilipat sa Oktubre ang Cybersecurity Awareness Month mula sa dating buwan ng Setyembre.

Ayon sa palasyo, ito ay para maisabay sa international observance tuwing Oktubre na magpapakita rin ng commitment ng bansa sa nagkakaisang pagsulong ng digital governance.


Ang mga programa, proyekto, at aktibidad para sa Cybersecurity Awareness Month ay pangungunahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Tutulong rin ang National Privacy Commission (NPC), mga concerned agencies, at iba pang mga grupo kabilang ang pribadong sektor para maisakatuparan ang layunin ng mga programa at proyekto.

Facebook Comments