Oldest woman na sumailalim sa vitro fertilization, usap–usapan sa Germany

Sa Germany, usap-usapan ngayon ang isang 65-years old na lola matapos siyang magsilang ng quadruplets.

Si Annegret Raugnigk ay ang pinakamatandang babae sa mundo na sumailalim sa tinatawag na Vitro Fertilization (IVF) treatment para mabuntis.

Sa paraang ito, pagsasamahin ang egg cell at sperm cell sa laboratory dish hanggang sa ma-fertilize ang itlog.


Samantala, si Annegret ay nagsilang ng tatlong lalaki at isang babae na pinangalanang Neeta, Dries, Bence at Fjonn.

DZXL558

Facebook Comments