Olongapo RTC, nagpalabas na ng warrant of arrest laban kay Dennis Sytin kaugnay ng pagpatay sa kanyang kapatid na si Subic businessman Dominic Sytin

Nagpalabas na ang Olongapo City court ng warrant of arrest laban kay businessman Dennis Sytin para sa kasong murder at frustrated murder.

 

Kaugnay ito ng pagkakapatay sa kapatid ni Dennis na si Dominic Sytin at pagkakasugat sa bodyguard nito na si Efren Espartero.

 

Si Dennis Sytin ang itinuturong mastermind sa pagpatay sa kanyang sariling kapatid.


 

Una nang inirekomenda ng DOJ panel of prosecutors ang pagsasampa sa korte ng kasong murder at frustrated murder laban kina Alan Dennis Lim Sytin, Ryan Rementilla alyas Oliver Fuentes at self-confessed gunman na si Edgardo Luib.

Facebook Comments