Ethel Booba pagbalik sa Twitter: ‘Last check ko si Bea Alonzo pa partner ni Gerald Anderson’

Ilang linggo ring nawala sa Twitter ang reyna ng #Charotism na si Ethel Booba at sakto namang may mainit na usapan sa kanyang pagbabalik.

Nagbiro ang komedyante sa kasagsagan ng usap-usapang hiwalay na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson dahil umano kay Julia Barretto.

Hirit ni Ethel, “Tagal ko pala talaga nawala. Biruin mo last check ko sa Twitter eh si Bea Alonzo pa partner ni Gerald Anderson. Charot!”


Bumenta naman sa netizens ang banat niya at may isa pang nagbiro na hindi naman daw matagal nawala si Ethel, “mabilis lang sila magpalit,” sabi ng isang nag-comment.

“Akala mo lang matagal eh ang bilis nila mag palit nu!” – @the13thfool

Nagsimula ang chika sa mga lumutan na sweet photo ni Gerald at Julia habang ang alam ng publiko ay si Bea ang karelasyon ng aktor.

Wala naman kahit sino sa mga sangkot sa isyu ang nagkumpirma o naglabas ng pahayag, maliban kay Bea na kamakailan lang ay nagsabing bigla na lang daw siyang hindi kinausap ni Gerald.

Kasunod nito nag-trending sa Twitter ang #ghosting.

Facebook Comments