Olympics-bound boxer Eumir Felix Marcial, lumagda na ng kontrata sa Manny Pacquiao Promotions

Lumagda na ng kontrata ang Olympics-bound boxer na si Eumir Felix Marcial sa Manny Pacquiao (MP) Promotions.

Ayon kay Marcial, napili niya ang MP Promotions dahil sa kanilang buong suporta sa kaniyang hangaring lumaban sa Sea Games, Asian Games Competitions at maging sa Olympics.

Maliban dito, may kalayaan din aniya siyang makapagpokus sa kaniyang training para sa 2021 Tokyo Games.


Nabatid na target talaga ni Marcial na mapasailalim sa MP Promotions sa kabila ng maraming international firms na interesado sa kaniyang serbisyo.

Nagpasalamat din si Marcial sa suportang ibinigay sa kaniya at sa kaniyang pamilya ng Amateur Boxing Association of the Philippines sa loob ng ilang taon.

Facebook Comments