Hindi pa man nagsisimula ang pagsabak ni Hidilyn Diaz sa weightlifting sa Tokyo Olympics ay panay na ang dasal ng kaniyang mga kamag-anak na makasungkit ito ng gintong medalya.
Sa interview ng programang Basta Promdi, Lodi sa RMN Manila, sinabi ng pinsan at unang coach ni Hidilyn na si Catalino “Catzz” Diaz Jr., na talagang inantabayanan nila ang paglalaro niya sa Olympics.
Ibinahagi rin ni Cattz na bata pa lamang si Hidilyn ay nakitaan na niya ng potensiyal ang pinsan.
Ayon pa rito, grade 6 nang magsimulang ma-training si Hidilyn at sa limang pinili ni Cattz ay si Hidilyn ang nangingibabaw kahit siya lamang ang nag-iisang babae.
Matatandaang bago pa man sumabak si Hidilyn sa Tokyo ay nakasungkit na siya ng silver medal sa Rio Olympics noong 2016.