Pagkadulas ni Pangulong Duterte habang nasa kaniyang huling SONA kahapon, hindi dapat ikabahala ng publiko

100

Simpleng dulas lamang ang nangyari kay Pangulong Rodrigo Duterte habang nasa kaniyang huling State of the Nation Address (SONA) kahapon.

Ito ang nilinaw ng Malacañang matapos na tanungin ng ilan kung may problema ba sa kalusugan ang pangulo.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang dapat ikabahala ang publiko dahil posibleng dulot na rin ng edad ng pangulo kaya ito nawalan ng balanse na agad namang naalalayan ng kaniyang aide.

Samantala, ayon kay Roque, inaasahang muling magsasagawa ng public address si Pangulong Duterte bukas.

Facebook Comments