Cauayan City, Isabela- Tinawag na mistulang “Tulisan” ni dating Angadanan, Isabela Mayor Manuel “Noli” Siquian ang Office of the Ombudsman at Sandiganbayan dahil sinisira umano ng nasabing tanggapan ang gobyerno dahilan para mawalan na rin ng respeto ang tao.
Sa kanyang radio program na “Timek ti Isabela”, kinuwestyon ng dating alkalde ang paghatol ng Sandiganbayan at Ombudsman kay dating Isabela Governor Grace Padaca bilang ‘guilty’ sa kasong graft and malversation matapos umanong masangkot sa anomalya na P25 million rice program noong taong 2016.
Ito ang pagkukumpara ng dating opisyal sa kaso ng dating Gobernador at kasalukuyang Bise-Gobernador na si Bojie Dy III dahil sa kinakasangkutan umano nitong kasong plunder dahil sa ilang bilyong proyekto na ayon sa kanya ay hindi dumaan sa public bidding.
Laking pagtataka ng dating alkalde na bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nahatulan ng dalawang sangay ng gobyerno.
Sa huli, hinimok ni Siquian ang mga kabataan na alamin ang kanyang katauhan at kung bakit niya ito ginagawa.