Mga negosyanteng nahaharap sa malalaking tax case sa bansa, handang kausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte

Manila, Philippines – Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na makipag-kompromiso na lang sa mga negosyanteng nahaharap sa malalaking tax case sa bansa.

 

Sa kanyang talumpati sa 31st Convention ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, sinabi ng Pangulo na napakatagal na proseso pa kasi aniya kung idadaan ang mga kaso sa korte.

 

Gagamitin naman aniya ang pera sa mga programa ng gobyerno.

 

Pero ayon kay Duterte, mangyayari lang din ito kung makukumbinsi ng mga ito ang kanyang mga kalihim.

 

 

Sa huli, pinaalalahanan ng Pangulo ang mga negosyante sa bansa na magbayad ng tamang buwis at huwag manuhol.



Facebook Comments