Ombudsman Conchita Morales, pinasisibak sa pwesto ng VACC!

Pinagbibtiw ni VACC chairman Dante Jimenez si Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Kasunod ito ng pagbababa sa kasong isinampa ng Ombudsman laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay ng Mamasapano incident.

Sa ambush interview ng RMN kay Jimenez, tinawag nitong bias si Morales.


Aniya, kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide ang dapat na isampa laban kay Aquino.

Kanina, naghain na ng Motion for Reconsideration sa Ombudsman ang mga pamilya ng tinaguriang SAF 44.

Ayon naman kay Reynaldo Kitano, tiyuhin ng SAF commando na pumutol sa daliri ng teroristang si Marwan – desido silang papanagutin si Aquino.

 

Facebook Comments