Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang inihaing motion for reconsideration (MR) ni Lloyd Christopher Lao na dating Executive Director ng Procurement Service ng Department of Budget and Management O PS-DBM.
Kaugnay ito sa umano’y katiwalian sa pagbili ng nasa apat na bilyong pisong halaga ng RT-PCR test kits sa Pharmally noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Bukod kay Lao, nadawit din sa kaso ang iba pang dating executive ng DBM gaya nina Paul Jasper de Guzman at Warren Liong at mga opisyal ng Pharmally gaya nina Twinkle Dargani, Linconn Ong, Justine Garado, Huang Tzu Yen at Lin Wei Xiong.
Matatandaang naglabas ng resolusyon ang Ombudsman noong nakaraang taon na nagrerekomendang sampahan ng tatlong counts ng graft ang nabanggit na mga akusado.
Kaugnay nito, binigyan na ng kopya ng resolution ang Department of Justice para sa aksyunan ang nasabing kaso.