Ombudsman, itinangging iniimbestigahan nila ang flood control fund scam

Manila, Philippines – Itinanggi ng Office of the Ombudsman na iniimbestigahan na nila ang kontrobersyal na P332-billion na flood control fund scam.

Taliwas ito sa unang pahayag ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. kung saan nilinaw ni Ombudsman Samuel Martires na hindi pa nila sinisimulan na suriin ang nasabing issue na nagdadawit kay Budget Secretary Benjamin Diokno.

Inalmahan din nito ang pahayag ni Andaya na nagsabing nag-request ang anti-graft body sa kanya para makahingi ng kopya ng privilege speech at presentation na nagbunyag sa kontrobersya.


Sinabi pa ni Martires na totoong nakakuha ang kanyang tanggapan ng kopya ng talumpati ng kongresista, pero ito ay dahil inutusan niya ang isa sa kanyang mga staff.

Giit ng Ombudsman, hindi ibig sabihin na may hawak silang kopya ng mga pagdinig ay iniimbestigahan na nila ang kontrobersya kaya at pinayuhan nila si Andaya na pagtuunan ng pansin ang imbestigasyon ng Kamara.

Facebook Comments