Ombudsman, nagsasagawa na ng fact finding investigation kaugnay sa kaso ng pagpatay kay Kian

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon na nagsasagawa na ng fact finding investigation ang Office of the Ombudsman ukol sa kaso ng pagpatay kay Kian Loyd Delos Santos.

Giit ni Drilon, may hurisdiksyon ang Ombudsman para ito ay gawin.

Sa panayam sa Senado ay kinumpirma ito ni Ombudsman Conchita Carpio Morales.


Sa katunayan, ay sinimulan na aniya nila ang pagpapadala ng mga subpoena para makuha ang kinakailangan dokumento kaugnay sa pagpapatay kay Kian sa anti-illegal drugs operation na ikinasa ng Caloocan Police noong August 16.

Facebook Comments