Pinaiimbestigahan ng Office of the Ombudsman ang pagpapatupad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng administrative order kaugnay ng gagawing pagkumpiska sa mga imported na isda gaya ng pampano at pink salmon sa mga lokal na pamilihan.
Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, dapat magpaliwanag ang BFAR kung bakit ngayon lamang ipinapatupad ang kautusan gayong taong 1999 pa epektibo ito.
Pinagsusumite ng komento ng Ombudsman ang mga kaukulang opisyales ng BFAR sa loob ng tatlong calendar days simula nang matanggap ang dokumento.
Magugunita na ipinagbabawal sa palengke ang mga isda o lamang dagat maliban na lamang kung may kaukulan itong dokumento gaya ng certificate of imports tuwing may kakulangan sa supply.
Facebook Comments