Ombudsman Remulla, nakalatag na ang mga gagawing trabaho matapos manumpa sa pwesto

Matapos manumpa bilang ika-pitong Ombudsman ng bansa, uunahin tutukan ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang isyu sa maanomalyang flood control project.

Sa isinagawang press conference ni Remulla, sinabi nito na agad niyang sisimulan pag-aralan ang mga nakalap na ebidensiya sa nasabing proyekto.

Aniya, mananatili ang kaniyang paninindigan sa naunang sinabi na walang siyang sasantuhin kahit pa kaalyado, kaibigan, o kamag-anak ang malalamang sangkot sa korapsyon.

Muling iginiit ni Remulla na kakailanganin nila ang matibay na ebidensiya para hindi masayang ang pagod at para mapanagot ang mga sangkot at nasa likod ng maanomalyang proyekto.

Bukod sa isyu ng maanomalyang flood control projects, sisilipin at pag-aaralan din ni Remulla ang kaso ng Pharmally at ang isyu sa confidential funds ni VP Sara Duterte.

Facebook Comments