Mali si Ombudsman Samuel Martires.
Ito ang pahayag ni Atty. Larry Gadon kaugnay ng pahayag ni Martires na tanging ang anti-graft body lang ang may karapatang sumilip sa Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN).
At ang publiko ay hindi na basta-basta maka-access sa SALN maliban kung may pagsang-ayon ng concerned officials.
Sinabi ni Gadon, ang exclusive power ng Ombudsman ay mag- examine ng documents mula sa ibang ahensya para i-verify ang contents ng SALN.
Pero, hindi nito pwedeng pagbawalang maka access ang publiko.
Aniya, ang imaginary fear na posibleng malagay sa peligro ang sinumang public official ay sisira sa tunay na layunin ng Republic Act 6713 o ang karapatan ng publiko kung nagpapayaman o hindi ang isang lingkod bayan.
Facebook Comments