Ombudsman Samuel Martires, muling dumipensa sa desisyong limitahan ang access sa SALN ng ilang opisyal ng gobyerno

Muling dumipensa si Ombudsman Samuel Martires sa desisyon nitong limitahan ang access sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng gobyerno.

Ayon kay Martires, hindi lamang siya ang nagpapatupad ng ganitong panuntunan kaya’t hindi dapat siya sisihin ng iilan.

Aniya, ang Korte Suprema ay nagpatupad din ng sarili restriksyon tungkol sa pagpapalabas ng SALN ng justices at judges habang ang mayroong ibang guidelines ang House of Representatives sa pag-access ng SALN ng mga kongresista.


Paliwanag ni Martires, pinag-aralan niya ang SALN Law kung saan may right of access to information ang publiko pero walang probisyon sa nasabing batas ang nagbibigay ng restriksyon sa regulasyon nito.

Ibig sabihin, posibleng gamitin ang nasabing dokumento sa extortion, harassment, at ilang ilegal na aktibidad.

Samantala, nilinaw ni Martires na hindi siya nagpo-propose ng jail time para sa mga pupuna sa SALN dahil nasa batas na ito.

Facebook Comments