Sinuspinde ng anim na buwan ni Ombudsman Samuel Martires ang 13 opisyal ng PhilHealth sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon sa serye ng alegasyon ng korapsyon ng ahensya.
Gayunman, hindi nakasama si PhilHealth President and CEO Ricardo Morales sa mga sinuspinde.
Kabilang sa mga matataas na opisyal na suspindido ay sina Dennis Mas, Senior Vice President for Management and Service Sector, Israel Pargas, SVP for Health Finance and Policy Sector, Shirley Domingo, Vice President for Corporate Affairs Group at Rodolfo del Rosario, Legal Sector Chief.
Suspindido rin ng anim na buwan na walang suweldo sina:
Roy Ferrer
Celestina Ma. Jude dela Serna
Ruben John Basa
Raul Dominic Padilla
Angelito Grande
Lawrence Mijares
Leila Tuzon
Clemente Bautista
Eugenio Donatos
Wala namang kaugnayan sa mga imbestigasyon sa korapsyon sa PhilHealth ang ugat ng imbestigasyon kundi kaugnay ng mga nakabinbing reklamo sa Office of the Ombudsman.