Nag-abiso ang Office of the Ombudsman na sarado ang lahat ng tanggapan nito hanggang January 19 upang bigyang daan ang mga gagawing isolation at quarantine protocols bilang pag-iingat sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Simula sa January 20, magkakaroon ng skeleton work forces sa mga sumusunod na tanggapan, ang Public Assistance Bureau, Central Records Division, CREMEB-Luzon, CREMEB-Moleo, OSP Records Office, Finance and Management Office, General Administration Office, Management Information Systems Service at Human Resources and Management Division.
Pinatitiyak sa mga tagapamuno ng mga binanggit na tanggapan na walang sinumang empleyado na may COVID-19 ang papayagang makapagtrabaho.
Obligado na makapagpakita ang mga empleyado ng negative result ng kanilang RT-PCR o antigen test at hindi na-expose sa sinumang may COVID-19 sa loob ng 20 araw.
Ang pasok ng mga empleyado ay mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon habang ang ilan ay naka-work-from-home.
Sa January 20 ay maari na muling tumanggap ang Ombudsman ng pleadings, affidavits at motions.
Maaari pa naman magdeposito ng aplikasyon para sa Ombudsman clearance drop box sa opisina o electronic mail.