7 sugatan matapos pasabugan ang isang bus sa Aleosan, Cotabato

489

Binulabog ng malakas na pagsabog ang Barangay San Mateo sa bayan ng Aleosan, lalawigan ng Cotabato kaninang umaga.

Sa ulat ng Aleosan Municipal Police Station, dakong alas-8:15 ng umaga kanina nang biglang sumabog ang isang yunit ng Mindanao Star Bus.

Kinilala ang mga biktima na sina Benjamin Solaiman, 5 taong gulang, Masid Piang, 25 taong gulang, Harold Solaiman Sr., 24 taong gulang, Eusteras Solaiman, 3 taong gulang, Rodolfo Castillo, 67 taong gulang, Alcani Bautista, 17 taong gulang at Hailan Solaiman, 5 buwang gulang.


Batay sa inisyal na imbestigasyon, sumabog ang bus na biyaheng Davao-Cotabato sa bahagi ng National Highway malapit sa lumang munisipyo.

Sinasabing nagmula ang pagsabog sa likurang bahagi ng bus kung saan naroon ang mga nasugatan na agad namang dinala sa Cotabato Regional Medical Center.

Nakaligtas ang driver at konduktor ng naturang bus na siyang isinasailalim sa imbestigasyon habang itinuturing namang terroristic act ng pulisya ang insidente.



Facebook Comments