Ombudsman ,sinuspinde ang Mayor ng San Isidro Leyte at ang Vice Mayor ng Maravillas ng Escalante City, Negros Occidental

Manila, Philippines – Sinuspinde ng Ombudsman ang Mayor ng San Isidro Leyte na si Susan Ang at ang Vice Mayor na si Santiago Maravillas ng Escalante City, Negros Occidental.

Ang dalawang local executive ay napatunayang nagkasala sa kasong oppression.

Sa magkahiwalay na desisyon ng Ombudsman si Mayor Yap ay sinunspinde ng anim na buwan, habang si Vice Mayor Maravillas suspendido ng siyam na buwan.


Nag-ugat ang kaso ni Ang, matapos nitong tanggihan ang reklamo ng isang miyembro ng Sangguniang Baranggay na si Ramonsito Viola sa pagdalo nito sa isang waste management seminar sa Cebu City noong Disyembre 03, 2015.

Reklamo ni Viola, hindi isinama ni Ang, ang kanyang partido, sa pre-payment sa kanilang biyahe, habang ang kakamping partido sa barangay ay pinaboran ni Ang.

Samantala, sa kaso naman ni Escalante City Vice Mayor Maravillas, napatunayan illegal na tinanggal ang isang livestock Inspector II na si Angel Sinadjan isang regular employee mula sa City Veterans Office.

Napatunayan din ng Ombudsman na may pitompong empleyado pa ang tinanggal ni Marvillas na hindi dumaan sa due process.

Ayon sa Ombudsman, ang ginawang hakbang ng dalawang local executive ay pagpapakita ng pang-aabuso sa kanilang kapangyarihan.

Na ang katapat na parusa ay suspensyon na walang matatanggap na sweldo.

Facebook Comments