Ombudsman, tinanggal sa serbisyo si BFAR Director Demosthenes Escoto

Naglabas na ng desisyon ang Office of the Ombudsman sa kasong katiwalian laban kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Demosthenes Escoto.

Dismissal from government service ang ipinataw ng Ombudsman kay BFAR director Demosthenes Escoto.

Ito ay matapos mapatunayan ng Ombudsman na guilty sa kasong grave misconduct si Escoto na nag-ugat sa kasong katiwalian na isinampa laban kay Escoto.


May kinalaman ang kaso sa pagbili ng BFAR ng mga communications equipment noong 2018.

Dahil dito, itinalaga ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., bilang officer-in-charge si Isidro Velayo Jr.

Si Velayo ay dating national coordinator ng seaweed program ng BFAR.

Siya ay dati ring regional director ng BFAR Zamboanga Peninsula.

Facebook Comments