MANILA – Wala pang plano ang Office of the Ombudsman na imbestigahan si Sen. Leila De Lima.Sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, wala pa silang maituturing na “lead” para magsagawa ng imbestigasyon dahil pawang mga bintang pa lamang ang mga ibinatong isyu laban sa Senador.Nagpapatuloy din anya ang imbestigasyon ng Dept. Of Justice kaugnay sa reklamo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at dating opisyal Ng National Bureau of Investigation kaugnay sa pagkakasangkot ng Senadora sa transakyon ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison.Kasabay nito, tiniyak ni Carpio na agad silang magsasagawa ng preliminary investigation kapag natanggap na ang reklamo at makitang may basehan ang kaso laban kay De Lima.
Facebook Comments