Omicron BA.5 variant, mas nagdudulot ng reinfection at malubhang kondisyon kumpara sa ibang subvariant

Mas karaniwang nagdudulot ng reinfection at malubhang kondisyon ang Omicron BA.5 variant kumpara sa BA.2, anuman ang estado ng bakuna ng isang indibidwal.

Batay sa pag-aaral mula sa Portugal, pareho namang epektibo ang bakuna at booster laban sa BA.5 at BA.2

Gayunpaman, 10% ng mga kaso ng BA.5 ay mga reinfections, kumpara sa 5.6% na kaso ng BA.2, kung kaya’t nababawasan na ang proteksyon ng bakuna dahil sa naunang impeksyon.


Bukod dito, hindi rin gaanong epektibo ang mga bakuna para mapigilan ang malubhang resulta na dulot ng BA.5.

Nasa 77% at 88% lang kasi ang risk reduction ng BA.5 para maiwasan ang pagkakaospital at pagkamatay, kung saan mas mababa ito sa 93% at 94% na risk reduction ng BA.2.

Isinagawa ang pag-aaral noong Abril hanggang Hunyo sa 15,396 na tinamaan ng BA.2 variant at 12,306 na tinamaan ng BA.5.

Facebook Comments