Pagpatay sa ama ng suspect sa Ateneo shooting incident, kinukundena ni Basilan Rep. Mujiv Hataman

2089

Mariing kinukundena ni Basilan Rep. Mujiv Hataman ang walang pakundangang pagpaslang kay Rolando Yumol, ang ama ng suspek sa Ateneo shooting incident na si Dr. Chao Tiao Yumol.

Naganap ang pagpatay sa matandang Yumol sa labas lang ng kanilang bahay sa Lamitan City sa Basilan ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek.

Binigyang diin ni Hataman na kailanman at sa kahit anong dahilan ay walang saysay ang pagkitil ng buhay.


Nilinaw ng kongresista na ang nangyaring krimen sa kanilang lugar ay hindi kumakatawan sa mga Basileños, bilang mga Pilipino at bilang mga tao.

Aniya pa, malayo na ang narating ng Basilan at dapat na tiyakin na hindi mapupunta sa wala ang lahat ng paghihirap at sakripisyo ng karamihan para makamit ang kaunlarang tinatamasa ngayon.

Umapela rin ang kongresista sa netizens na huwag nang gatungan ang damdamin ng bawat pamilyang nagdadalamhati at maging mahinahon sa lahat ng oras at maging mapagmatyag mula sa layuning ilihis ang paghahanap ng hustisya para sa lahat.



Facebook Comments