Omicron-specific booster shot, hindi na kailangan ayon sa Vaccine Expert Panel

Naniniwala ang Vaccine Expert Panel (VEP) na hindi na kailangan ang Omicron-specific booster shot ng Moderna Inc., dahil epektibo naman ang ginagamit na orihinal na bakuna laban sa Omicron variant.

Ayon kay VEP member Dr. Mario Jiz, base sa inisyal na datos ay pareho itong nakakapagpataas ng antibody laban sa nakahahawang variant kung kaya’t sapat na ang original Moderna vaccine.

Base aniya sa pag-aaral, 80% ng spike-specific B cells ay cross reactive laban sa orihinal na strain at Omicron strain kung kaya’t habang nagmamature ang immune system ng tao ay nagkakaroon ito ng mas mataas na antibody response.


Samantala, sinabi rin Dr. Rontgene Solante na kinakailangan pang maghintay ng datos ng efficacy ng Omicron-specific booster ng Moderna bago ito gamitin ng bansa.

Facebook Comments