Hindi pa dapat ikabahala ang naitatalang mga kaso ng subvariant ng Omicron BA.2.12.1 sa bansa.
Ayon kay infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante, hindi pa nakakabahala ang 17 na naiulat na kaso dahil wala pa namang pagtaas ng kaso sa bansa ngunit sumasang-ayon ito na ang kasalukuyang tally ay maaaring isang underestimation.
Dagdag pa ni Solante na mahirap ding tantiyahin kung gaano katagal na magagarantiya ng mga booster shot ang proteksyon laban sa COVID-19, ngunit tiniyak nito na sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan pagkatapos ng inoculation ay protektado ang isang indibidwal laban sa matinding impeksyon.
Kasunod nito ay hinimok ng eksperto ang mga immunocompromised na magpaturok na ng pangalawang booster shot upang masiguro ang kanilang proteksyon.