Iginiit ni Assistant Majority Leader Niña Taduran na magsilbing “wake up call” sa lahat ang panibagong Omicron variant.
Para sa kongresista, marapat na ang bawat Pilipino ay palaging mapagbantay at maprotektahan sa pamamagitan ng maiging pagsunod sa health protocols at pagpapabakuna.
“We live in a precarious time and we have to think of the welfare of the entire populace. The World Health Organization studies say that as long as the COVID-19 virus continues to infect unvaccinated people, it will keep mutating.”
Aniya, tayo ngayon ay nasa yugto ng panahon ng walang katiyakan kaya dapat na mas iniisip ang kapakanan ng nakararami.
Ibinabala rin ng kongresista ang pag-aaral ng World Health Organization (WHO) na hangga’t patuloy na na-i-infect ng COVID-19 virus ang mga hindi pa bakunadoay patuloy itong magmu-mutate.
“Yes, the action of the government will hurt tourism and the businesses related to the industry, but it’s better to keep the infection at bay. This is also a wake up call for everyone to be on guard and protect oneself by following health protocols and getting the Covid-19 vaccine.”
Ikinalugod naman ng mambabatas ang agarang aksyon ng pamahalaan nang mapabalita ang bagong Omicron variant kung saan agad na isinara ang mga border sa mga biyahero mula sa mga bansang may kaso nito.
Bagama’t malaking epekto na naman aniya ito sa turismo at sa mga negosyo, mainam aniya ang mga naging hakbang upang maiwasan ang pagpasok ng bagong COVID-19 variant sa bansa.