Pamaskong handog sa mga lolo at lola sa Valenzuela City, ibibigay na sa susunod na Sabado

78

Sisimulan na ang pamamahagi ng pamaskong regalo sa mga lolo at lola sa Valenzuela City.

Ang pamimigay ng gift pack sa mga senior citizens ng lungsod ay uumpisahan sa December 11 hanggang 18.

Ayon sa Valenzuela LGU, ang tatanggap ng “Pamaskong Handog” ay iyong nakarehistrong mga senior citizen.


Dapat ang nakalagay sa senior’s ID na “date of issuance” ay bago o hanggang October 15, 2021.

Para makuha ang gift pack, bibigyan ng claim stub ang mga lolo at lola kung saan nakalagay ang redemption site, petsa at oras nang pagkuha.

Para hindi na lumabas ang mga seniors, maaari nilang ipakuha ang gift pack sa kaanak kung saan ipapadala lamang ang orihinal na OSCA ID at valid ID ng kinatawan.



Facebook Comments