Omicron variant, malabo nang kumalat dahil sa mataas na vaccination rate sa NCR

Kumpiyansa ang mga eksperto ng OCTA Research Group na maliit na lamang ang tiyansang magkaroon muli ng COVID-19 surge sa bansa sakaling makapasok ang Omicron variant.

Ayon kay OCTA fellow Fr. Nicanor Austriaco, makapasok man ang Omicron variant sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay mahihirapan na itong kumalat sa Metro Manila dahil halos lahat ay bakunado na.

Nabatid na mahigit 37.3 milyong indibidwal naang fully vaccinated kontra COVID-19 sa bansa na 48.4% ng target na 77.1 million na target mabakunahan ng gobyerno.


Sa ngayon, ayon kay Austriaco, pinag-aaralan pa rin ng health authorites kung gaano kataas ang proteksyong maibibigay ng kasalukuyang bakuna laban sa bagong variant.

Wala pa namang naitatalang kaso ng Omicron variant sa Pilipinas.

Facebook Comments